Thursday, October 25

Sala sa Lamig, Sala sa Init

Ayaw kong maging tapunan.
'Yung tatanggap ng bagay na parang tira lang ng iba. Hindi naman talaga hinanda para sa 'yo pero dahil walang mapagbigyan, sa 'yo na lang ibibigay.
Mas mainam nang huwag na lang ibigay sa akin ang bagay na hindi naman talaga para sa akin, kaysa isiping nakatutuwa ang pamimigay ng hindi para sa akin.

Gusto ko rin naman makatanggap ng bagay na nakalaan talaga para sa akin. 'Yung bukal na ibibigay.

Pero minsan, nakakahiya rin tumanggap ng gamit na sobrang ganda kahit para sa'yo. Minsan pakiramdam mo hindi mo naman deserve. Problema rin 'yun.


Ferris Wheel!

Posted these on my Facebook account. People seem to actually like it.

So, what do you think?


There's this warmth you get seeing yellows and oranges and reds. 
Gives me some comfort.



Almost unedited. The place actually looks good. 


One of the favorites not by me but by the people who saw the Ferris Wheel album.
I think it's quite over-edited, but to some its avant-garde-ness might have tickled their perception of beauty.


(c) Sheena Sacdalan
I have not added watermarks because I think they'd ruin the picture.
Please please put credits when you choose to use the pictures. Thanks! ;)


Things Fall Apart

Things Fall Apart, sabi nga ni Chinua Achebe.

Minsan marami kang nasa isip pero hindi mo maisulat kasi hindi mo rin talaga alam paano isulat. Alam mo, pero ayaw mo, o ayaw ng puso o kaluluwa mo, o ayaw mong umabot sa puntong maging vulnerable ka dahil sa pagbuhos ng damdamin mo.

Tama na, baka masyado pang lumala ang drama.

Basta totoo nga ata talagang Things Fall Apart.

PS Di ko natapos basahin 'yung libro.