Tuesday, July 15

A Journey On Knowledge... Or the Lack of It


There is nothing that I know of certainly, except perhaps that I am conscious, and this even, I got from Descartes and not derived from my own thinking. But that even, is limited. Yes, I am a conscious being, a thinker. I do not know though, for certain, if I even truly have a physical body, and so I proclaim that there are many things I do not know.

Friday, July 11

Lakbay: Taxi

Paunang Salita: Ito ay isang kwentong hango lamang sa imahinasyon. Ito ay bahagi ng isang literary anthology na sinimulan ko kamakailan. 

---------------------------------

Nakapanlalamig sa pakiramdam ang maisip pagsamantalahan ang isang inosente.

TAXI

Bumi-biyahe noon sa Quezon Avenue ang mama. Ala-una na ng umaga ngunit maliwanag pa
rin ang kahabaan ng daan, sinisilaw ang nakainom na drayber. Papikit-piki ito nang napansin
niyang may pumapara sa ‘di kalayuan.

Ginilid niya ang sasakyan upang isakay ang customer. Magandang babae.

Tila pinapasok na ng alak ang kanyang utak. Nag-init ang kanyang katawan.

“San ka Miss?” tanong ng drayber. Nakangiti.

“Sa Fairview lang kuya. Kaya ba?” patanong na sagot ng babae.

“Kayang-kaya, walang problema,” ‘di nag-aatubiling sagot naman niya.

Sumakay na nga ang babae sa likod ng taxi. Sinulyap-sulyap ng drayber ang babaeng maganda gamit ang salamin sa harap niya.

Tinahak nila ang kahabaan ng Quezon Avenue patungong Commonwealth. Nang dumaan sila sa Philcoa ay nagtaka ang babae kung bakit kumanan sila.

“Kuya, Fairview po ako… Bakit papasok po tayo ng UP?” sambit ng dilag.

“Miss, huwag ka matakot. Hindi ako masama. Kalma ka lang,” sagot naman ng drayber.

Nakapanlalamig sa pakiramdam ang maisip pagsamantalahan ang isang inosente.

Nagtaka ang drayber kung bakit hindi man lang sumagot ang babae. Hindi ito umalma. Hindi ito nag-akmang buksan ang pinto at lumabas sa tumatakbong sasakyan. Mahina, walang magawa. ‘Di na ‘to makakalaban.

Nagulat na lamang ang drayber nang umupo ang babae sa likuran niya. Hinawakan nito ang kanyang braso gamit ang dalawang kamay, sabay himas sa kanyang dibdib, at pababa.

“Ito baa ng gusto mo, kuya?” nang-aakit na sagot ng babae, sabay halik sa nag-iinit na pisngi ng nagmamanehong drayber.

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Paalis na si Claire patungong eskwela nang pinigilan siyang saglit ng kanyang ina.

“Claire, ingat ka pauwi mamaya ah. Huwag ka magta-taxi,” paalala ng kanyang ina. “Oo naman Ma, ‘di naman ako nagtataxi. Mahal. Bakit, ano bang meron?” nagtatakang tanong ng dalaga.

“Heto oh. Basahin mo.” Inabot ng kanyang ina ang nakatuping tabloid. “Basahin mo yung news sa top page. Maikli lang ‘yan.”

“Ok Ma, basahin ko na lang sa bus. Bye!”

Ito ang nilalaman ng balita:

Disyembre 5, 2013

Lalaki, Natagpuang Patay Sa Diliman

Isang lalaki ang natagpuang duguan sa loob ng taxi sa masukal na bahagi ng Diliman alas-sais ng 
umaga kanina. Pinaghihinalaang siya rin ang driver ng taxi kung saan siya nakita.

Kasaluyan ay wala pang suspect para sa nangyaring krimen. Inaalam na ng mga pulis kung may nakaaway ba ang drayber. Tinitingnan na rin ngayon ang anggulong pagpatay ng isang serial killer.

Pinag-iingat ang mga mamayan dahil maaalalang dalawang taxi driver na rin ang natagpuang patay sa kanilang bina-biyaheng taxi sa nakalipas na buwan. Natatalang isang linggo lamang ang pagitan sa mga naganap na
pagpatay.

Singapura

Been so long since I posted photos. Here are some of my shots taken in Singapore during our 'field trip' there.



Marina Bay from afar. Semi-filtered by the glass of the bus I was in.


Boat by the Bay.


'Trees' in the Gardens by the Bay.


My skills are quite rusting. Must get down to this photog business again soon. Haha!