Thursday, September 2

At Buhay na Namang Muli ang Aking Panulat

Ang aking mga kamay na nananangis na humawak ng panulat ay mapagbibigyan ko na, ngunit hindi sa paraang nais nito. Hindi ko siya pahahawakin ng panulat, sa halip ay hahayaan ko siyang maranasan ang mala-makinilyang paraan ng pagsusulat...

Oo, magsusulat akong muli, at sasamantalahin ko ang teknolohiya para ihayag ang mga ideya kong kakaiba at katuwa-tuwa, nakakalungkot o nakakaasar, at kung anu-ano pa mang kaisipang lalabas mula sa aking imahinasyon.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Bago ako dumating sa disesyong ito (ang magsulat muli), dumaan ako sa matinding pagtatanto. Marahil ay iniisip ng ilan sa inyo na madali lamang magsulat, lalo na kung ang marami sa isusulat ko'y ukol sa sarili kong buhay; ngunit hindi ito totoo. Para sa akin, ang pagsusulat ay higit pa sa isang paraan ng pagpapahayag ng kalooban; ito ay isang sining, isang makapangyarihang 'medium' na hindi lamang naglalayong magpahayag, kundi ay mag-impluwensya rin at magpakilos. Mataas ang aking pagtingin sa pagsusulat, kaya naman ginagawa ko ang aking makakaya upang hasain ang aking kakaunting talento rito.

Ang muli kong pagsulat ay dala na rin nang impluwensya ng ilang tao...

(1) May isang kagalang-galang na 'Brother' (Br. Oca, FSC) sa pamantasang aking pinapasukan na nag-udyok sa aking ipagpatuloy ang pagsusulat, lalo na't nalaman niyang tatahakin ko na ang daan ng mga inhinyero. Marahil naisip niyang malilimutan ko nang sumulat lalo na't aakayin ako ng Matematika sa mga susunod na taon.

(2) Masuwerte ako't naging kaibigan ko sina Danica Azares at Ciel De Jesus, ilan sa mga manunulat ng aming klase. Tinuturing ko silang mga magulang pagdating sa 'blogging', lalo na't mas may experyensya sila sa bagay na ito. Tulad nila, hinamak ko ang tadhana - magsusulat ako sa kabila ng sandaang takda at pagsusulit na susubok sa akin.

(3) Matagal na akong inuusig ng aking isipan na magsulat. Ang aking puso ay nagbabadya nang umiyak sa lungkot dahil sa kay tagal ko nang hindi natatala ang mga ideya't kaisipan na lumulutang-lutang sa aking isipan.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Inaanyayahan kita, Binibini o Ginoo, na pagtuunan ng pansin ang aking mga panulat. Lubos akong magagalak sa kaunting panahon na ilalaan mo para ipahayag ang iyong palagay sa aking mga naitala.

Pagpalain ka nawa ng Diyos!

4 comments:

  1. [QUOTE]Masuwerte ako't naging kaibigan ko sina Danica Azares at Ciel De Jesus, ilan sa mga manunulat ng aming klase. Tinuturing ko silang mga magulang pagdating sa 'blogging', lalo na't mas may experyensya sila sa bagay na ito. Tulad nila, hinamak ko ang tadhana - magsusulat ako sa kabila ng sandaang takda at pagsusulit na susubok sa akin.[/QUOTE]

    Ako ay lubos na napakumbaba at nagalak nang iyong itala na ako ay isa sa mga inspirasyon mo sa pagsusulat. Marami na rin ang nagsabi sa akin niyan, ngunit, iba talaga ang makilala ng isang beteran na gaya mo. Ikinararangal ko ang iyong pagkilala sa akin. <3

    Nagmamahal,
    Ciel

    ReplyDelete
  2. Ciel, mas labis akong natutuwa dahil itinadhana tayong magkakilala. Hindi ko lubos maisip kung ano ang mangyayari sa aking panulat kung hindi kita nakilala. Maraming salamat at binigyan mo ng pagkakataong matuklas ko ang iyong kahusayan sa pagsusulat.

    >:D<

    ReplyDelete
  3. SHEENA KAILAN pA NAGKAROON NG STEADIER MIND AND HEALTHIER BODY SA ENGALG??!! HAHAHA!!!! :)):)) ADIIIKKK

    NACAPS! :)) hirap i-retype... :))
    ung caps lang ung engalg at hahaha

    ako si anonymous

    ReplyDelete
  4. ANONYMOUS!

    Hahaha. :)) ENGALG FTW talaga e :P

    ReplyDelete