Friday, September 3

Boy Meets Girl: Sari-saring Kwento ni Boy at Girl

Noong ako'y nasa high school pa lamang, libangan ko na'ng magsulat. Mayroon akong isang kwadernong itinuturing kong kaibigan, hindi dahil sa maganda niyang balot o dahil sa kabilang ibayo ko ito nabili, ngunit dahil nagiging tampulan ito ng aking mga ideya't kaisipan. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga sulating iyon, marahil buhat na rin ng matinding pagkainip at emosyong dulot ng high school.

____________________________________________________________________

Boy: Anak ng?!
Kanina pa kaya siya nandito? Patay pumalya pa naman ako dun sa isang free throw.
Napansin niya kaya?
Nakakaasar naman 'tong babaeng 'to e. Manonood na nga lang ng basketball game may
hawak pa ring libro.
[Nagshoot si Boy]
Yeah! 3 points yun ah!
[Biglang tingin si Boy kay Girl]

Grabe talaga 'to. Hindi man lang pumalakpak. Wala man lang cheer.

Wala ata talaga akong pag-asa kanya...

Paano, ano nga lang naman ako? Isang hamak na basketball varsity.

Eh siya? School representative sa lahat ng quiz bees.


Girl: Ang galing niya talaga magshoot! 3 points yung huli.
Grabe, yung isang freethrow lang kanina 'yung mintis niya.

Pero hanggang tingin na lang ata ako sa kanya...

Kada makikita ko siya sa corridor, puro babae ang nakapaligid sa kanya..

Kung hindi cheerleader, member ng dance troupe o drama club yung kasama niya - lahat

sila magaganda.

Eh ako. Ni hindi niya nga ako napapansin.

Bakit? Ano ba ako? Isang certified broken-hearted nerd na wala nang ibang inatupag

kundi mag-aral at manood ng basketball games niya.



~Saan: School Gymnasium
~Kaganapan: Finals ng interbatch competition sa basketball

____________________________________________________________________

Girl: [nadapa si Girl]
Aray! Ansakit!

Bakit kasi ang lamya ko?

Nakakahiya, andyan pa naman siya.

Siguro, ang tingin niya sa akin, lampa.

Siguro, sa tingin niya, parang inutil ako.

Ang hindi niya alam, kaya ako nadadapa ay dahil natuturete ako sa kanya.

Dapat kasi nakashades na lang siya, para di ko alam kung nakatingin siya sa akin e.


Boy: Hala! Nadapa siya!
Malas talaga ako sa kanya e.

Tuwing malapit ako sa kanya, may kung anong nangyayari sa kanya.

Ngayon nga, hindi ko man lang siya matulungan.

Paano, ang dami kong kaagaw.

[May bumuhat bigla kay Girl]

Tulad ngayon. Magsprint man ako para akayin siya e may lalaki nang kumakarga sa

kanya.

Badtrip!



~Saan: Sa quadrangle
~Kaganapan: Speed test (sprint) na ni Girl habang nanonood sa kanya si Boy

8 comments:

  1. Maraming salamat Sheena! Mabuti naman at bumalik ka na din sa pagsusulat. Naisip ko rin kasing magandang pampalipas-oras ang pagsusulat, o kaya'y panandaliang pagtakas sa acads. Ikaw, ano na ba ang plano mo sa buhay?

    Hinihintay ko nga din ang pagbabalik ni Mychael sa pagsusulat. Tama ka diyan sa sinabi mo, "once a writer, always a writer". Sige, ifo-follow ko naman talaga yung blog mo.

    At tungkol naman sa blog mo, minsan naiisip ko rin ang mga ganyang sitwasyon. Pero hindi ko akalaing nag-iisip ka rin pala ng mga bagay-bagay tungkol sa romansa. May pagka-romantikong manunulat ka rin pala. :))

    ReplyDelete
  2. Charlie, labis kong namiss ang pagsusulat. Sa susunod na mga taon ay Matematika na ang aking buhay, kaya naman pinili ko nang magsulat ngayon dahil ayaw ko itong malimutan. :)

    Aabangan ko si Master Mychael. :))

    Ukol sa pangalawa mong blog entry, karangalang magbahagi ka ng iyong sarili sa mga mambabasa. Salamat :)

    ReplyDelete
  3. Minsan ko lang ginagawa ang ganoong bagay. Siguro ay bunga na rin ng kalungkutan ko kahapon kaya nagkaganoon. Salamat rin at binasa mo. :)

    Ako rin, aabangan ko siya.

    Oo nga pala, kamusta ang buhay diyan sa DLSU?

    ReplyDelete
  4. :)) Kung mayroon lang sanang icon ng "Like" dito katulad nung sa FB...

    Kilig naman! :)) I can't explain it with words, though...I never thought that you'd use such... strong languages XDDDD

    Waaah~ Sana ganyan din yung sakin... :))!

    ReplyDelete
  5. Charlie, maayos naman sa DLSU. Nakatutuwa dahil may aircon, ngunit sa aking palagay ay daig pa rin nito ang sariwang hanging dala ng mga puno sa UPD. Pero ang mga elevator, mahal ko ang mga elevator. Hahaha.

    May mga bago na rin akong kaibigan. :)

    Ikaw, mukhang sikat ka ah! Siya nga pala, ikinatutuwa kong marinig na ganap ka ng kasapi ng palimbagan ng inyong departamento. Congrats!

    ReplyDelete
  6. Ciel, medyo pangmasa nga 'yung sulatin kong 'yan. :)) Naisip ko kasi, kung magsusulat ka, dapat maging 'versatile at well-rounded' ka. Isang dahilan din niyan ng pagpasok ko sa mundo ng prose - gusto kong subukan ang lahat ng klase ng pagsulat.

    Kakaiba ang kilig na mararamdaman sa paskil kong 'yan. Hindi ko alam, parang nakakakiliti ba? Hahaha.

    ReplyDelete